(... the sort of survey that reveals part of my history)
PRESCHOOL
1. Ano ang sinasabi mo noong bata ka pa na gusto mong maging paglaki mo?
~ Gusto ko maging lawyer someday.
2. Ano ang isang bagay na na-enjoy mong gawin noon?
~ makipaglaro sa playmates ko at umiyak 'pag gusto ko.
3. Bakit?
~ kasi nga, enjoy (oh di ba, circular yung sagot).
4. anong age ka pumasok sa school?
~ 3 years old (prep - saling pusa pa lang ako noon)
5. Sinong 'buddy' mo noon?
~ can't remember. siguro, yung katulong na naghahatid sa akin.
6. Anong pangyayayari ang hindi mo makalimutan?
~ nung kinder ako, i was bribed by a classmate with candies para maging kaaway ko din yung kaaway niya. i accepted the candies naman.
7. Kilala mo pa mga teachers mo?
~ yup. si teacher josephine nung Junior Kinder at si Teacher Ave nung Senior Kinder. Nung prep, di ko na matandaan.
8. Iyakin ka ba noon?
~ oo. hobby ko ang umiyak. sabi nga nung isang pari, talo ko pa ang iyak ng baka.
GRADE SCHOOL:
10. Sinong principal nyo noon?
~ si Sister Precy
11. Anong paborito mong laro?
~ habulan, one by one, ten twenty, taguan
12. May club ka bang sinalihan?
~ i was part of the Savio Friends Club (religious club). ang patron saint ay si St. Dominic Savio, estudyante ni John Melchor Bosco (Don Bosco, "Don" is an italian term for "father" or "priest"). nung high school ako, i was no longer part of the Savio Club, but i joined another religious club, which is the Auxilium. our patron was Virgin Mary, mother of God (the emphasis on capital "G" is important here). but my membership to these clubs was only for credentials (or maybe i wasn't that agnostic about the concept of religion during those times).
13. Maingay ka ba sa klase?
~ tahimik ako noon.
14. May kinakatakutan ka bang teacher noon?
~ yup, yung teacher namin sa religion nung grade 2 or 3 ata. lahat kami takot sa kanya kaya lahat nagsisimba.
15. Bakit?
~ terror siya.
16. Pano ka pumupunta sa school?
~ during my first 3 or 4 years in elementary, hinahatid ako. nung medyo matanda na, kaya ko na sumakay sa tricycle mag-isa.
17. Marunong ka na bang mag-commute ng panahong ito?
~ yup, sa tricycle.
18. Paano ka mag-aral?
~ nagbabasa sa loob ng room, mag-isa lang. pero bihira yun, bihira naman kasi ako mag-aral nun e.
19. Mahilig ka bang kumain ng tusok-tusok?
~ ano yun?
20. Responsible ka bang estudyante?
~ i think so.
HIGH SCHOOL:
21. Saan ka nag-high school?
~ Pedro Guevara Memorial National High School / PGMNHS - 1st year
~ Don Bosco High School - 2nd-4th year
22. anu mga section mo?
~ Newton (pgmnhs), 2-5, 3-6, 4-7 (not sure if the numbers are correct)
23. May-CAT ba kayo noon?
~ wala, but girls were part of the GSP (girl scout of the philippines) as CAT exemption. we had done community and church services as part of the exemption.
24. Naging officer ka ba?
~ yes, sa clubs na kasali ako. pero sa class, hindi.
25. Kumakain ka ba habang nasa klase?
~ oo, ka-share ko yung friends ko. minsan nga, nagbabaon talaga kami ng dadalin na food sa klase kahit bawal.
26. Tamad ka bang pumasok?
~ tamad, yes. pero, hindi ako nagpapadala sa katamaran ko noon, kaya hindi din ako uma-absent.
27. Sinong principal nyo noon?
~ si Father Jun ('til 2nd year hs ako) and si Father Mon (hanggang sa ako ay magtapos sa mataas na paaralan).
28. Kilala ka ba nya? Ano tawag nya sa'yo?
~ oo naman. Diory ang tawag nila sa akin. tumatambay pa nga ako sa principal's office at minsan, nanghihiram ng books.
29. Paano?
~ duh!.. principal kaya sila at matinong estudyante ako. maliit din ang population sa school namin noon kaya talagang kilala ako.
COLLEGE:
31. School mo?
~ University of the Philippines - Los BaƱos (ang unibersidad ng pinakamagagaling na utak at pinakamayayabang sa bansa)
34. Meron ka bang org na sinalihan?
~ UPLB Sophia Circle - the organization that was never the best. it's just that there's nothing better.
36. Naniniwala ka ba na pag college ka na, matatagpuan mo ang true love mo at hindi sa high school?
~ no, i don't.
37. Embarassing moment?
~ none. makapal kasi ang mukha ko. hence, i never felt embarassment kahit para sa iba, nakakahiya na ang mga pangyayari.
38. Unforgettable moments?
~ na-invite kami sa isang "alive alive" session dahil masyado kaming bibo nung freshies kami.
~ feb fair (1st year) - nauto na namin kami dahil sa FREE coffee. pang "alive alive" na naman pala.
~ feb fair (2rd year) - pink ang kulay ng booth, and we were playing card games outside the booth. akala ng mga tao, lasing kami, pero ang mga umiinom, yung mga nasa loob ng booth. ang saya nun.
~ feb fair (4th year) - last na feb fair ko sa uplb. videoke sa booth, nanalo kami sa debate, ibinalik namin ang booth na ni-rent namin ng di tinitiklop (so parang prusisyon dahil binuhat namin ang mga iyon ng nakatayo).
~ mwf breakfast; tth lunch; tth dinner; PI 100; philosophical discussions sa tambayan, batcave at kung san pa; debates; bluffing; langit lupa after ng GA; charades at batuhan or patumbahan ng bote ng mineral water sa tambayan; tambay sa gilid ng layb; si Manang Jang Geum at ang kanyang turon; pagiging stage manager ko kahit hindi talaga ako theater actress... at madami pang iba.
~ isama na din ang paglabas sa klase at pag-ikot sa building 'pag inaantok ako, mga GA's ng Sophia tuwing Thursday, Execom meetings 'pag Tuesday, gimmicks on Thursday nights, LB square, ang pagkain sa Mommy Ludy's, mga rambol sa UP, pati ang unang beses ko na makakita ng oblation run, ang paggawa ng philosophical papers, ang mga puyatan, paggising sa madaling araw para mag-rummage, ang pagvideoke sa 10411, at higit sa lahat, ang pakiramdam na kumpleto ako. sa unibersidad ko nakilala ang sarili ko, nalaman ang mga gusto ko, pinanindigan ang mga pinaninindigan ko, at minahal ang tunay na karunungan na 'di kailanman kayang tumbasan ng pera at/o malaking sweldo na inihahain ng mga kapitalistang kumpanya. hay, i miss up life...
So far, college was the happiest in my life... kung pwede lang ibalik ang dati, ibabalik ko.
39. Pano gumalaw ang mga tao sa eskwelahan mo?
~ anong klaseng paggalaw?... Malamang, ginagamit nila ang kanilang katawan. pero higit pa dito, mas mahalaga ang pagpapagalaw nila sa kanilang mga utak. ang bagay na ito, ang pinakanami-miss ko sa Unibersidad ng Pilipinas. i miss the philosophical discussions with sensible people.
40. Sosyal ka ba?
~ i am a social being. pero hindi ako sosyal sa konteksto o sa ilalim ng language game ng mga taong kanto.
No comments:
Post a Comment